^

Bansa

Ika-23 taong anibersaryo ng TESDA, magiging makabuluhan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahang magiging makabuluhan ang pagdiriwang ng ika-23 taong anibersaryo ng Technical Education and Skills Deve­lopment Authority (TESDA) dahil na rin sa mga nakalinyang programa ng ahensiya para sa araw ng pagkakatatag nito.

Magsisimula ang pagdiriwang na may temang “Malasakit at Pagbabago, TESDA, Susi sa Kinabukasan”, sa flag rai­sing ceremony ngayong ­umaga na pangungunahan ni TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong at susundan ito ng special mass sa hapon.

Sa Miyerkules naman ng umaga (Agosto 23) ay magkakaroon ng employees award kung saan ay bibigyan ng pagkilala ang ilang piling empleyado kabilang na dito ang loyalty award, model employees, perfect attendance kasabay din ang pagbati sa mga may kaarawan sa buwan ng Hulyo at Agosto,

Bibigyan din ng pagkilala ang mga Local Government Units (LGU), industry partners National Go­vernment Agencies (NGA) at iba pang katuwang ng ahensiya sa pamamagitan ng Kabalikat Award habang ang mga matagumpay na TESDA graduates ay pagkakalooban ng Idol ng TESDA Award samantalang ang mga mahuhusay na trainers ay bibigyan naman ng Tagsanay Award.

Kasabay nito, ilulunsad naman ng TESDA sa unang pagkakataon ang Best Regional Performance Award sa tatlong mapipiling rehiyon na nagpamalas ng kanilang galing sa pagbibigay ng serbisyo publiko sa kanilang nasasakupang lugar.

Sa darating na Huwebes (Agosto 24) ay magkakaroon ng Health and Wellness Day kung saan ay magbibigay ng offsite physical exam ang Cocolife Healthcare, lib­reng massage, haircut at iba pang wellness services at flu vaccine para sa mga empleyado.

Bibigyan din ng pagkilala ang mga dating Director General, Deputy Director General, Executive Director, Regional Director, Provincial Director at iba pang retirees para sa gagana­ping “Vin D Honneur” bilang pagpapasalamat sa mga naitulong ng mga ito sa TESDA sa panahon ng kanilang paninilbihan.

Samantala, nagpasalamat naman si Mamondiong sa naging matagumpay na mahigit isang taon nito bilang Director General sa ahensiya dahil na rin sa pakikipagtulungan ng masisipag na empleyado ng TESDA.

              

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with