^

Bansa

Ama, mga tiyuhin ni Kian siga, drug courier - Bato

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Siga-siga sa kanilang lugar at drug courier umano ang ama at mga tiyuhin ng 17-anyos na si Kian Lloyd delos Santos na napatay ng mga pulis-Caloocan sa kanilang anti-drug operation kamakailan.

Sinabi ni PNP Chief Director General Ronald dela Rosa na base sa kanilang tinanggap na intelligence report mula sa hepe ng Caloocan City Police at sa intelligence community, ang ama ni delos Santos na si Saldy, ay kilala umanong siga-siga sa kanilang lugar.

Ito umano ang dahilan kung bakit takot ang mga kapitbahay nila na magsalita laban sa kanila. Bukod dito, si Kian ay ginagamit umano na courier ng kanyang ama na isa umanong user, mga uncle na umanoy mga pusher kaya lumutang ang pangalan niya sa kanilang area mismo. 

Maging ang intelligence community umano na nagsasagawa ng operation plan sa Caloocan ay nagsasabi na ang mga kapitbahay nila delos Santos ay takot na magsalita ng laban sa kanila dahil kilalang siga sa lugar ang ama pati mga uncle ng biktima.

Sa kabila nito aminado naman si dela Rosa na dismayado siya sa resulta ng police operation lalo na nang mahantong sa pagkasawi ng grade 11 student na si Kian subalit nanindigan siya na lehitimo ang operasyon dahil may hawak na basehan ang mga awtoridad na source ito ng illegal drugs.

Dahil dito kaya itinuturing na lang ni dela Rosa ang nasawing teenager na biktima lamang ng kanyang sariling ama at may pagkakataon pa sana itong makapagbago kung hindi napatay sa anti-drug ops.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with