PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Bong humirit na makapagpa-dentista

MANILA, Philippines — Muling humingi ng furlough si dating Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. upang makapagpatingin ng ngipin.

Sa inihain niyang apat na pahinang motion sa Sandiganbayan, nais makalabas ni Revilla ng Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City sa Agosto 25 para kaniyang dental check-up.

Aniya inabisuhan siya ng kaniyang dentistang si Steve Mark Gan ng Gan Advanced Osseointegration Center sa Greenbelt Center, Makati City na sumailalim sa check-up matapos ang kaniyang tooth implant surgery nitong Marso at Abril

“Accused is very much appreciative of this Honorable Court for kindly allowing him in his previous motions to undergo medical check-ups and treatment,” nakasaad sa hiling ni Revilla sa First Division ng anti-graft court.

“While accused does not intend to abuse this Honorable Court's liberality, accused again humbly beseeches this Honorable Court's compassion to permit him to undergo the foregoing dental procedure,” dagdag niya.

Dati nang pinayagan ng korte si Revilla na makalabas para sa dental procedures at para bisitahin ang kaniyang ama sa ospital nitong Hunyo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nakakulong ang dating senador para sa kasong plunder at graft kaugnay ng maanomalyang paggamit ng pork barrel fund.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: