^

Bansa

Buwis sa ‘Tax Reform’ ipondo sa free tuition

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Mas malaki ang magi­ging pakinabang ng mamamayan kapag naisabatas ang tax reform bill dahil ang makokolektang buwis ay magagamit na pondo para sa “free tuition”, dialysis coverage at sa pagreporma sa pampublikong transportasyon.

Ito ang ipinunto kahapon ni Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate ways and means, sa tanong kung saan gagamitin ang buwis na malilikom ng gobyerno.

Sinabi ni Angara na ang kikitain ng gobyerno mula sa bagong buwis sa panukalang tax reform ng administrasyon ay mailalaan sa mga mas kapaki-pakinabang na programa at proyekto tulad ng kapapasa lamang na free college law, ang free dialysis coverage at ang pagrereporma sa sistema ng public transportation.

Sa pagtataya ng Department of Finance (DOF), kikita ng P134 bil­yon ang gobyerno sa unang taon ng implementasyon ng tax reform.

Tinataya na P20 bilyon ang kakailanganing pondo sa free college law, P16.8 bilyon dito ang mapupunta sa state and local universities and colleges, habang ang nalalabing P3 bilyon ay para sa technical-vocational institutions.  

Makikinabang din umano sa kita ng buwis ang pagreporma sa LRT at MRT sapagkat posibleng kumita naman ang pamahalaan ng P14 bilyon mula sa taas-buwis sa mga bibilhing sasakyan.

Samantala, ang malilikom na excise tax sa sugar-sweetened beverages na tinatayang aabot sa P47 bilyon, ay dapat ilaan sa pagpapalawak ng sakop ng PhilHealth upang mapondohan ang dialysis package para sa pakinabang ng mga benepisaryo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with