^

Bansa

Duterte umamin: 3-6 buwan pagsugpo sa droga ‘di kaya

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Inamin kahapon ni Pa­ngulong Duterte na nagkamali siya sa pagtantiya na kaya niyang sugpuin ang problema ng iligal na droga sa loob lamang ng tatlo hanggang anim na buwan.

Sa talumpati ng Pa­ngulo sa harap ng mga pulis sa Ozamiz City, inamin nito ang pagkakamali dahil hindi niya inaasahan na ang mga ahensiya ng gobyerno katulad ng Bureau of Customs at maging mga heneral ay sangkot din sa problema ng droga.

“Kasi nalaman ko, paano ko makontrol in three to six months, ang mga generals na pulis nandiyan. Tapos ‘yung mga Bureau of Customs na inaasahan ko, p*******ina nasa droga. How will I succeed, eh nasa droga…Alam ko na nagkamali ako. Nagkamali talaga ako,” pahayag ng Pangulo.

Inamin din ng Pangulo na tama ang kanyang mga kritiko na hindi niya naka­yang tuparin ang kanyang pangako na matatapos ang problema ng iligal na droga sa loob ng tatlo haggang anim na buwan pagkaluklok sa puwesto.

Paliwanag ng Pangulo na ang pinagbatayan niya sa pagbibitaw ng pangako noong kampanya ay ang siyudad ng Davao kung saan siya nagsilbing mayor at nasugpo ang problema.

Inamin din ng Pangulo na isa ng ‘narcotic county’ ang Pilipinas na nalaman lamang niya noong Pa­ngulo na siya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with