Dong, gagawing state witnesssa P6.4 B shabu shipment – DOJ
MANILA, Philippines - Maaaring gawing state witness ang negosyanteng si Kenneth Dong hinggil sa P6.4-billion shabu shipment mula sa China.
“Possible as long as he (Dong) would not appear to be the most guilty,” ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Sinabi ni Aguirre na bubuo siya ng panel of prosecutors upang magsagawa ng preliminary investigation sa reklamo upang matiyak na may sapat na basehan kaugnay ng kaso.
Si Dong ay isa sa siyam na kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa importasyon ng 602.2 kilo ng shabu na nakumpiska ng NBI at BoC agents sa isang warehouse sa Valenzuela City nong May 26.
Sinasabing si Dong ang naging “middleman” ni Chen Ju Long alias Richard Chen o Richard Tan, na nagmamay-ari ng Hongfei Logistics warehouse na ni-raid. Si Dong umano ang tumulong kay Li na humanap ng broker para mailabas ang shipment ng shabu mula sa bakuran ng Customs kamakailan.
- Latest