^

Bansa

Human rights, rule of law dapat manaig- VP Leni

Pilipino Star Ngayon

Sa giyera kontra droga

MANILA, Philippines - Muling ipinaalala ni Vice President Leni Rob­redo ang importansya ng human rights at rule of law sa giyera kontra ilegal na droga matapos sabihin ni Pangulong Duterte na hindi niya ititigil ang kampanya laban dito.

Ayon kay ­Robredo, wala siyang tutol sa giyera kontra ilegal na droga subalit ­kailangang hindi umano malabag ang karapatang ­pantao at gawin ito base sa itinatadhana ng batas.

“Naniniwala tayo, tulad ng paniniwala ng ating Pa­ngulo, na kailangan talagang sugpuin iyong krimen…hindi lang nagkakatugma (iyong aming approach),” ani Rob­redo sa panayam.

Sinabi ni Robredo na tanging ang rule of law lang ang panlaban ng mga mahihirap laban sa pang-aabuso ng mga nagpa­patupad ng giyera kontra ilegal na droga sa bansa.

“Kailangan iyong rule of law. Kung ano iyong nasa batas, ano iyong nasa Konstitusyon, nasusunod pa din, dahil ito naman iyong sandata ng mahihirap natin na mga kababa­yan laban sa pang-aabuso ng mga nasa kapangyarihan,” ani Robredo.

Samantala, ikinalungkot ng Commission on Human Rights (CHR) ang binitawang pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na dapat ay buwagin na ang naturang ahensya.

Ayon kay CHR spokesperson Jakie de Guia, dapat maintindihan ng lahat na binuo ang komisyon sa ilalim ng 1997 Constitution para bantayan ang pagmamalabis ng mga security forces tulad ng mga sundalo o pulis.

Binabantayan lamang aniya ng CHR kung abuso sa kapangyarihan ang dapat na tagapagbantay sa mamamayan at wala umanong kinikilingan ang komisyon o interes kundi ang karapatang pantao.

Iginiit pa ni de Guia na hindi sila nai-intimidate sa naging pahayag ni Pangulong Duterte at gagawin pa rin nila ang trabaho.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with