^

Bansa

Giit sa US: Balangiga Bells ibalik

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inatasan ng Kamara ang Department of Foreign Affairs (DFA) na gumawa ng aksyon para mabawi ang Balangiga Bells mula sa Estados Unidos.

Sa House Resolution 1142 na inihain ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone, inatasan nito ang DFA na gumawa ng hakbang para marekober ang tatlong Balangiga Bells na ninakaw mula sa bayan ng Balangiga sa Eastern Samar noong Philippine-American War.

Giit ni Evardone, dapat na magsikap ang DFA  at igiit ang kanilang diplomatic efforts para marekober ang nasabing mga kampana.

Noong 15th at 16th Congress ay naghain na rin ng resolution ang Kamara para maibalik ang nasabing mga bells.

Matatandaan na noong anibersaryo ng Philippine Air Force noong nakaraang taon ay sinimulan ng Pangulo ang kanyang adbokasiya na maibalik ng Amerika ang tatlong Balangiga bell at muli niyang inulit ang panawagan sa kanyang SONA noong Lunes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with