^

Bansa

Lumad schools ipapabomba

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Lumad schools ipapabomba

Nagdaos ng protesta ang mga Lumad teachers at students para kondenahin ang naging pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang 2nd SONA na umano’y ipapabomba ang Lumad schools sa Mindanao. Edd Gumban

Banta ni Duterte

MANILA, Philippines - Nagbabala si Pangulong Duterte na kanyang ipapabomba sa militar ang mga eskwelahan ng mga Lumad sa Mindanao na ginagamit umano ng mga New People’s Army (NPA) sa pagtuturo ng subversion, komunismo at kung paano magrebelde sa gobyerno.

Kaya pinayuhan ng Pangulo ang mga Lumad na umalis sa area dahil bobombahin ng Philippine Air Force (PAF) ang kanilang mga istrukturang iligal na pinapatakbo o pinangangasiwaan ng mga rebelde.

“So umalis kayo diyan. Sabihin ko diyan sa mga Lumad ngayon, umalis kayo diyan. Bobombahan ko ‘yan. Isali ko ‘yang mga istruktura ninyo. I will use the Armed Forces, the Philippine Air Force. Talagang bobombahan ko ‘yung mga… lahat ng ano ninyo. Because you are operating illegally and you are teaching the children to rebel against government. May kalokohan kayo eh di mas lalo na ako,” pahayag ni Pangulong Duterte matapos ang kanyang 2nd SONA noong Lunes.

Ayon sa Pangulo, palalakasin lamang nito ang mga pulis at sundalo na isasabak sa mga rebelde.

“Lahat ng pera diyan sa mga social amelioration na ‘yan, gamitin ko ‘yan dito sa… tutal ‘yung mga bridge sisirain man nila, ‘yung mga eskwelahan susunugin nila. ‘Yung mga eskwelahan lang ng mga Lumad, ‘yung kanila, they are operating without the Department of Education’s permit. Kasi eskwelahan nila but they are teaching subversion, communism, lahat na,” sabi ng Pangulo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with