^

Bansa

‘Ilocos 6’ laya na!

Christian Imperio - Pilipino Star Ngayon
�Ilocos 6� laya na!

MANILA, Philippines – Matapos ang mahigit isang buwan na pagkakakulong, pinalaya na ng Kamara ang tinaguriang ‘Ilocos Six’ na sangkot sa anomalya kaugnay ng P66.45 million tobacco excise tax.

Ipinagutos ni Majority leader Rudy Fariñas ang agarang pagpapalaya sa anim na opisyal matapos aminin ng mga ito sa gitna ng pagdinig na sila ang pumirma sa mga nakalap na mga dokumento at disbursement vouchers ng mga nabiling mga sasakyan.

Nangyari ang pagpapalaya sa mga opisyal kasunod ng pagdalo ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa pagdinig.

BASAHIN: Matapos isnabin, Imee Marcos dumalo sa House hearing

Bago nito, tahasang sinuway ni Marcos ang imbitasyon ng komite na dumalo sa pagdinig para linawin ang anomalya kaugnay ng paggamit ng tobacco funds.

Nalaman na ginamit ito pambili ng mga mini-cabs, segunda-manong bus, Foton mini trucks para sa iba’t-ibang bayan ng Ilocos Norte.

Maaalalang ipinagutos ang pagpapakulong sa anim na opisyal matapos hindi sagutin ang mga katanungan ng Kamara noong nakalipas na pagdinig.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with