^

Bansa

Digong tiwala pa rin kay BIR Chief Dulay

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mistulang “nasopla” ni Pangulong Duterte ang mga grupong nag-aambisyon na matanggal sa puwesto si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Caesar Dulay, matapos muling ipahayag ng Pangulo ang kanyang tiwala rito.

Sa pagharap ni Duterte sa mga lider ng Cordillera Autonomous Region (CAR) noong Hulyo 18, upang pag-usapan ang mga problema sa rehiyon at ang planong ‘Federalismo’ para sa bansa, muling nagkomento ang Pangulo hinggil sa kanyang tiwala kay Dulay. 

Ang komento ni Duterte ay narinig din umano nina Executive Sec. Salvador Medialdea, DPWH Sec. Mark Villar, Peace Process Adviser Jesus Dureza at iba pang mataas na opisyal sa Palasyo na kasama sa nasabing pagpupulong.

Ang paborableng komento ni Duterte kay Dulay ang ikalawang beses ngayong taon na pinuri ng Pangulo ang integridad ng BIR chief.

Sa kanyang talumpati noong nakaraang Pebrero 17 sa Baguio Country Club sa harap ng mga retiradong opisyales ng militar, binanggit ng Pangulo na kahit noong mga estudyante pa lang sila ng abogasya at magkakasamang nakatira sa YMCA sa Maynila, hindi nila mapilit si Dulay na sumama sa kanilang mga “kalokohan.”

“Even noon talagang ‘straight’ yan…Holy Week, walang tao and we would ransack the grocery of the YMCA. Hindi talaga sumasali ‘yang Dulay na yan,” banggit ng Pangulo. 

“Si Dulay, wala; ayaw talaga niya ng kalokohan,” pagmamalaki pa ni Duterte.

Bunga ng mga nabanggit, inaasahan nang ma­bibigo ang mga nag-aambisyon na matanggal si Dulay sa posisyon. 

Samantala, inaalam na ng BIR kung may kaugnayan umano si BIR deputy commissioner, Jesus Clint Arañas kay Denilo Lihaylihay na ‘complainant’ sa kasong plunder laban kay Dulay at 17 iba pa sa tanggapan ng Ombudsman.

Ang reklamo laban sa grupo ni Dulay ay batay sa bintang ni Lihaylihay na “binigyan” umano ni Dulay ng pabor ang ‘Del Monte Philippines’ na nagresulta sa umano’y “pagkalugi” ng gobyerno sa binayarang buwis nang higit sa P29 bilyon para sa taong 2011 hanggang 2013. 

Ang bintang ay mariing pinabulaanan ng DMP at tinawag na ‘outrageous’ at ‘absurd’ ang akusasyon ni Lihaylihay. 

Ayon pa sa kumpanya, umabot lang sa P16.8 bilyon ang kinita nito noong 2011 kumpara sa umano’y “dinaya” nitong buwis sa nasabing taon na ayon pa sa reklamo ay aabot sa higit P21 bilyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with