^

Bansa

Magsasaka, mangingisda, sari-sari stores, karinderya, tricycle drivers ililibre na sa tax

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Magsasaka, mangingisda, sari-sari stores, karinderya, tricycle drivers ililibre na sa tax

Ayon kay Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate committee on ways and means, malaking ginhawa para sa ordinaryong mamamayan na hindi na bubuwisan ang mga maliliit na negosyo. Senate PRIB/File

MANILA, Philippines - Isinusulong sa Senado na ilibre na lamang sa pagbabayad ng buwis ang maliliit na negosyo, gayundin ang mga marginal income earner.  

Ayon kay Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate committee on ways and means, malaking ginhawa para sa ordinaryong mamamayan na hindi na bubuwisan ang mga maliliit na negosyo. 

Sa kasalukuyang tax regulations, ang marginal income earners ay ang mga indibidwal na may sari­ling pinagkakakitaan na ang gross sales ay hanggang P100,000 lamang. 

Kabilang dito ang mga magsasaka at mangi­ngisda na direktang nagbebenta sa consumers, sari-sari stores, mga karinderya o turo-turo, drayber at operator ng isang unit ng tricycle. 

Sa kasalukuyan, libre sa pagbabayad ng business taxes tulad ng VAT at percentage tax ang marginal income earners subalit nagbabayad pa rin sila ng income tax.

Ang malilit na negosyo naman na may P3 million assets pababa ay maaari ring hindi na pagbayarin ng income tax, alinsunod sa umiiral na Barangay Micro Business Enterprise law, subalit kailangan muna silang magparehistro sa tanggapan ng City Treasurer sa kani-kanilang lugar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with