^

Bansa

1,000 bagong posisyon kailangan sa BI

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Puwede ng kumuha ng mga eligible personnel ang Bureau of Immigration (BI) matapos aprubahan ang 1,000 bagong posisyon para mag-trabaho rito.

Sa panayam, sinabi ni Department of Bud­get and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno na inaprubahan niya ang hiring dahil nangangailangan ng karagdagang manpower ang ahensiya.

Ayon kay Diokno, at least 1,000 applicants ang kailangan na sasanayin bilang Immigration Officer 1, na may salary grade 11 o gross pay na P19,000.

Ayon kay Marc Red Marinas, BI Port Operations chief, gagawin ng gobyerno na itaas ang Immigration Officer 1 salary sa salary grade 11 to  salary grade 16, na may kabuuang sahod na P28,000 hanggang P30,000.

Sa taas anya ng sahod ay tiyak marami ang papasok dito basta eligible sila.

May 40 newly hired personnel ang kumukuha ngayon ng immigration basic crash course at sa huling linggo ng Hulyo itatalaga ang mga ito sa NAIA.

Sabi pa ni Marinas, hindi lang sa NAIA itatalaga ang mga bagong matatanggap na immigration kundi pati sa ibang international airports at seaports.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with