^

Bansa

Pagbabago sa PCOO – Andanar

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Pagbabago sa PCOO � Andanar

Malaki ang pagbabagong nangyari sa Presidential Communications Operations Office sa loob ng isang taon sa ilalim ng pamumuno ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar. Ace Morandante/Presidential Photo

MANILA, Philippines - Malaki ang pagbabagong nangyari sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa loob ng isang taon sa ilalim ng pamumuno ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar.

Sa 1-year accomplishment report ng PCOO, ipinagmalaki ni Sec. Andanar ang malaking improvement ng mga tanggapan sa ilalim ng kanyang tanggapan tulad ng PTV 4, Radyo ng Bayan, Philippine News Agency (PNA), Public Information Agency (PIA), National Printing Office (NPO), Bureau of Communication Services, APO Printing at RTVM.

Naitatag din ang Task Force on Media Security noong October 1, 2016 na ang pangunahing trabaho ay siguruhin ang seguridad ng mga mamamahayag sa ilalim ng pamumuno naman ni Usec. Joey Egco.

Wika pa ni Sec. Andanar, mula sa 25,000 watts ng PTV 4 ay naging 55,000 na ang transmitter nito bukod sa inilunsad na rin ang Cordillera broadcast hub, Davao broadcast hub at Salam Digital TV gayundin ang Mula sa Masa, Para sa Masa program ni Pangulong Duterte sa PTV 4 bukod sa DDS podcast kung saan siya ang host kasama si Asec. Mocha Uson. Inilunsad din sa PTV 4 ang Digong 8888 hotline kung saan ay direktang puwedeng isumbong sa pangulo ang mga reklamo na bibigyan agad ng kalutasan.

Idinagdag pa ni Andanar, sumailalim din sa mga trainings ang mga empleyado ng PTV4, PNA at PIA sa ibang bansa upang maging ganap ang kanilang pagtupad sa tungkulin particular sa paggamit ng state of art na mga communications equipment.

Ipinaliwanag din ni Andanar na siya mismo ang nagdesisyon na tumutok na lamang sa governance ng PCOO para maging epektibong commucations arm ito ng Duterte government sa taumbayan kaysa magsilbing spokesman ng pangulo.

Aniya, patuloy ang gagawing pagbabago sa PCOO upang lalong makapaghatid ng tamang komunikasyon sa masang Filipino.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with