^

Bansa

Diskriminasyon sa mga Maranaw iwasan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umapela kahapon si Sen. Risa Hontiveros sa publiko na iwasan ang diskriminasyon laban sa mga tinatawag na “internally displaced persons” (IDPs) mula sa Marawi City na naghahanap ng pansamantalang matutuluyan sa mga kalapit na siyudad upang makaiwas sa nangyayaring kaguluhan dulot ng teroristang Maute group.

Ayon kay Sen. Hontiveros, nakakatanggap siya ng ulat na may mga Maranaos na nagrereklamo ng diskriminasyon kung saan tinatanggihan sila ng mga may-ari ng paupahang bahay o apartments kapag nalaman na mula sila sa Marawi.

Naniniwala si Hontiveros na lalo lamang nagagatungan ang “Islamophobia” o pagkatakot sa Islam na pinag-uugatan naman ng galit at giyera.

“I appeal to the public not to stoke the flames of Islamophobia. Discrimination breeds hate. It builds walls. It sustains unjust wars,” wika ni Hontiveros.

Ipinunto pa ni Hontiveros na ito ang panahon para magkaisa at huwag sumunod sa nais mangyari ng Maute group na magkaroon ng takot at galit sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslims.

Hiniyakat din ni Hontiveros ang kinauukulang ahensiya ng gobyerno na tingnan ang insidente ng diskriminasyon laban sa mga taga Marawi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with