^

Bansa

Trak vs trak: Pahinante dedo, driver grabe

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang pahinante ng trak ng buhangin habang kritikal naman ang tsuper nito makaraang salpukin ang sinusundang cargo truck na hinihila naman ng tow-truck sa South Luzon Expressway (SLEX) sa Makati City kahapon ng umaga.

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng pahinante na nadurog ang katawan nang ma­yupi ang unahan ng 14-wheeler truck habang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang tsuper nito na hindi pa kilala.

Sa inisyal na ulat, naganap ang insidente dakong alas-9 ng umaga sa southbound lane ng SLEX sa tapat ng Magallanes Village.

Ayon kay Romy Manique, isa sa tauhan ng towing na humila sa trak, kapwa pababa ang trak ng buhangin at ang 18-wheeler cargo trak sa Magallanes Interchange.

Nauuna umano ang cargo truck na pag-aari ng Fine Cargo Logistic Corporation na hinihinala ng tow-truck dahil sa problema sa manibela nang biglang bumulusok ang trak ng buhangin at bundulin ang puwitan ng cargo truck.

Yuping-yupi ang unahang bahagi ng trak ng buhangin dahil sa tindi ng impact ng pagkakabunggo.

Agad namang sumaklolo ang mga rescue unit ng pamahalaan at naisugod sa paga­mutan ang tsuper ng trak ng buhangin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with