^

Bansa

1 pang warrant of arrest vs de Lima inilabas ng korte

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
1 pang warrant of arrest vs de Lima inilabas ng korte

Sa pahayag kahapon ng abogado ni de Lima na si Atty. Alex Padilla, nabatid na noong Hunyo 21 ay nag-isyu ng warrant of arrest ang sala ni Judge Amelia Farbros-Corpuz, ng Branch 205, Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) laban sa kanyang kliyente at sa kapwa akusado nitong si Jose Adrian Dera “alias Jad De Vera”. STAR/Geremy Pintolo, File

MANILA, Philippines - Nag-isyu ng warrant of arrest ang isa pang korte laban kay Sen. Leila de Lima na may kaugnayan sa kaso nitong illegal drug trade sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Sa pahayag kahapon ng abogado ni de Lima na si Atty. Alex Padilla, nabatid na noong Hunyo 21 ay nag-isyu ng warrant of arrest ang sala ni Judge Amelia Farbros-Corpuz, ng Branch 205, Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) laban sa kanyang kliyente at sa kapwa akusado nitong si Jose Adrian Dera “alias Jad De Vera”.

Hihilingin ng kampo ni de Lima sa korte na i-recall ang arrest order laban dito dahil ito aniya ang pinakamahina sa tatlong kasong isinampa sa kanya.

Bukod sa sala ni Judge Corpuz, may nakabinbin ding kasong drug related ang senadora sa sala nina Judge Patria Manalastas-de Leon ng Branch 20 at Judge Juanita Guerrero ng Branch 204.

Matatandaan, na si Judge Guerrero ang unang nag-isyu ng arrest warrant laban kay de Lima noong Peb­rero 23, 2017. Kasalukuyan itong nakakulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame. 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with