^

Bansa

Isnilon Hapilon nakalabas na ng Marawi?

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Isnilon Hapilon nakalabas na ng Marawi?

Ayon kay Lt. Gen. Carlito Galvez, Commander ng AFP-Western Min­danao Command, hindi na napagkikita ng tropa ng pamahalaan sa ‘battle zone’ si Hapilon kaya may indikasyong nakapuga na ito. File

MANILA, Philippines - Posible umanong nakapuslit na palabas ng Marawi ang Abu Sayyaf leader at isa sa America’s most wanted terrorists na si Isnilon Hapilon na kabilang sa namumuno sa Maute terror group.

Ayon kay Lt. Gen. Carlito Galvez, Commander ng AFP-Western Min­danao Command, hindi na napagkikita ng tropa ng pamahalaan sa ‘battle zone’ si Hapilon kaya may indikasyong nakapuga na ito.

Si Hapilon na itinalagang lider ng ISIS sa Southeast Asia ay may patong sa ulong $5M mula sa gobyerno ng Amerika at karagdagang P10M mula sa administrasyon ni Pangulong Duterte bukod pa sa dati nitong reward na P7.4M.

Base sa intelligence report ng militar, plinano nina Hapilon at ng magkapatid na Omar at Abdullah Maute ang pag-atake sa Marawi City noong Mayo 23.

Nabatid na ang pagtatangka ng tropa ng pa­mahalaan na arestuhin si Hapilon matapos itong mamonitor sa lungsod ng Marawi ang nagbunsod sa pagwawala ng ISIS-Maute terrorists at nanunog ng mga gusali at establisi­m­yento, nang-hostage at pumaslang ng mga sibilyan.

Sinabi ni Galvez na hindi na siya nagtataka sakali mang mapatuna­yang nakatakas na talaga si Hapilon sa Marawi City dahil marami na ang nalagas sa hanay ng tero­ristang grupo na umaabot na sa 289 bukod pa sa mga sugatan sa hanay ng mga kalaban.

“We have some reports that he was already able to slip somewhere but as of now we are still confirming the reports,” ani Galvez.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with