^

Bansa

May-ari ng security agency arestado sa tokhang ng SSS

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Arestado ang isang may-ari ng isang security agency sa isinagawang operasyon laban sa mga deliquent employers ng  Social Security System (SSS) at Criminal Investi-gation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP).

Kinilala ni SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc si Ms. Babelyn Castillo, may-ari ng Knightwatch Security Agency.

Si Castillo ay inereklamo ng SSS sa QC Pro-secutors Office dahil sa hindi pagbabayad ng SSS contribution ng kanilang empleyado noong Nob­yembre 2009 hanggang June 2010 at Marso 2011 hanggang Agosto 2011. 

Kahit nakatanggap ng demand letters at mga paalala, hindi pa rin nagsumite si Castillo ng mga dokumento upang pasinungalingan ang mga akusasyon laban sa kanyang kumpanya. 

Mula Setyembre 30, 2011, may kabuuang utang na P180,368.34 ang akusado mula sa hindi binayarang kontribusyon at naipong buwanang inte-res na tatlong porsyento. 

Inihain ang warrant of arrest kay Castillo sa kanyang tirahan sa Cainta, Rizal bago isinagawa ang operasyon.

“Ang pagkakaaresto kay Castillo ay isang malinaw na indikasyon na patuloy naming hahabulin ang delingkwenteng employers. Kaya’t nais namin paalalahanan muli ang ating mga employers na gawin ang tama at bigyan ng proteksyon ang kanilang mga empleyado.”, sabi ni Dooc.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with