^

Bansa

Ex-PCGG chair kulong ng 20 years sa graft

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Hinatulan ng Sandiganbayan 1st division ng pagkabilanggo si dating PCGG chairman Camilo Sabio dahil sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Sa desisyon ng anti-graft court, napatuna­yang nagkasala sa dalawang bilang ng kasong graft si Sabio kaya pinatawan siya ng 12 hanggang 20 taong pagkakabilanggo.

Ang kaso ay kaugnay sa maanomalyang pag-lease niya ng milyong pisong halaga ng mga  sasakyan na nagkakahalaga ng P5.93 milyon at P6.73 milyon noong 2007 at 2009.

Ang nasabing mga sasakyan umano ay inupahan mula sa Coconut Planters Bank Leasing and Finance Corp ng walang bidding.

Si Sabio ang nag-iisang nahatulan sa nasabing kaso habang ang kapwa nito akusado ay napawalang sala at isa pa ang patuloy na nakakalaya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with