^

Bansa

Tents sa Marawi evacuees itatayo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Magtatayo ng tent-city ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa sandaling magbalik na sa normal ang sitwasyon sa Marawi City para sa 69,000 pamilya na napilitang mag-evacuate ng sumiklab ang kaguluhan sanhi ng paglusob ng Maute group.

Sinabi ni DSWD Sec. Judy Taguiwalo, naglaan ng P20 bilyon ang gobyerno para sa reconstruction ng Marawi City kapag naging normal na ang sitwasyon.

Sabi pa ng DSWD chief, nagsimula na sila sa proseso ng pagbili ng mga family-sized tents na gagamitin na temporary shelter ng mga evacuees kapag nakabalik na sila sa Marawi City.

Aniya, nasira na kasi ang kanilang tahanan dahil sa ‘giyera’ na nilikha ng Maute kaya wala na silang babalikan na mga tahanan.

Wika ni Taguiwalo, sa Lunes na pagtatapos ng Ramadan ay mag-distribute sila ng Ramadan food packs sa mga evacuees na nasa evacuation centers.

“Only 5 percent of displaced Marawi residents are in evacuation centers. Ang problema natin ay ang mga home base because we don’t know where they are,” wika pa ni Taguiwalo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with