Abu lider Hapilon nasa Marawi pa – AFP
MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayong Biyernes ang mga ulat na wala na sa lungsod ng Marawi ang Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon.
Sinabi ng tagapagsalita ng AFP Brig. Gen. Restituto Padilla Jr ngayong Biyernes na naniniwala ang Task Force Marawi na hindi pa nakalalabas ng lungsod si Hapilon.
Ayon sa mga ulat ay pumuslit si Hapilon habang nakikipagbakbakan ang mga tropa ng gobyerno sa Maute terror group.
Padilla denies reports that terrorist leader Isnilon Hapilon has left Marawi City @PhilippineStar @PhilstarNews
— Alexis B. Romero (@alexisbromero) June 9, 2017
Si Hapilon ang aarestuhin sana ng mga awtoridad nang magkagulo sa Marawi City.
Sa nakuhang video ng mga awtoridad, nakita kung paano pinagplanuhan ni Hapilon at ng mga miyembro ng Maute group ang pag-atake sa lungsod.
Dahil sa kaguluhan ay nagdeklara ng martial law si Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao.
- Latest