6 PNP officers na sangkot sa droga, ipinatapon sa Marawi City
MANILA, Philippines - Anim na police officers na nakatalaga sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) Region na isinabit sa iligal na droga ang ipinatapon sa Marawi City, Lanao del Sur sa gitna na rin ng bakbakan ng tropa ng pamahalaan laban sa Maute terrorist.
Kinilala ni CALABARZON Police Regional Director P/Chief Supt. Mao Aplasca ang anim na opisyal na sina Chief Inspector Michael Angeles, nakatalaga sa Directorate for Community Relations; Chief Inspectors Christopher Cabugwang, Crisanto Bagadiong, Joseph Macatangay, Ronald Zamora at PO1 Jefferson Monteras; pawang nakatalaga sa Rizal Provincial Police Office (PPO).
Ang mga ito ay isinabit at tinukoy ni PO1 Fernan Manimbo na nakatalaga sa Teresa Municipal Police Station (MPS) sa Rizal na nahulihan ng 20 plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P200,000.
Nabatid kay Aplasca, ang anim na opisyal ay ipinatapon sa Marawi City base sa instruksyon ni PNP Chief Gen. Ronald dela Rosa sa halip na sa Basilan.
- Latest