^

Bansa

Kamara maingat sa Martial Law report

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nag-iingat ang lide­rato ng Kamara sa pagsasapubliko ng Martial Law report na isinumite ng Malacañang sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay House Majority leader Rodolfo Fariñas, hindi basta mailalabas ang kopya ng Martial Law report na hawak na ni House Speaker Pantaleon Alvarez matapos isumite ng ehekutibo kamakalawa ng gabi.

Giit ni Fariñas, maaa­ring classified ng Palasyo ang dokumento bilang secret, bagay na hindi maaaring salungatin ng Kongreso.

Pangako naman niya na hindi nila itatago ang nilalaman ng report sakaling cleared ito sa publiko.

Inaasahan naman na sa Lunes ay maisasama na sa order of business ng Kamara ang ML report subalit hindi pa malinaw kung ito na ang magiging hudyat para mapag-usapan ito sa plenaryo.

Ang Martial Law report ay direktang iniabot kay Alvarez at Senate President Koko Pimental ng ?9:55 kamakalawa ng gabi o limang minuto bago ang deadline na alas-10 ng gabi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with