^

Bansa

59 na patay sa Marawi

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
59 na patay sa Marawi

Umaabot na sa 59 katao ang nasawi sa Marawi City habang patuloy ang bakbakan ng mga sundalo at Maute terrorist group. Philstar.com/John Unson, File

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 59 katao ang nasawi sa Marawi City habang patuloy ang bakbakan ng mga sundalo at Maute terrorist group.

Ayon kay AFP spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, nasa 11 sundalo at dalawang opisyal ng pulisya ang nasawi habang 39 pa ang sugatan sa panig ng pamahalaan.

Samantala nasa 31 na ang napapaslang na te­rorista partikular na sa air strike operations habang marami pa ang nasugatan simula ng sumiklab ang bakbakan noong Martes.

Nasa 11 sibilyan naman ang nasawi sa pag-atake ng Maute, siyam sa mga ito ay naharang sa checkpoint ng mga terorista sa kainitan ng pagsalakay sa Marawi City at dalawa naman ang driver ng ambulansya ng lokal na ospital dito.

Bukod sa Maute ay target din ng operasyon ang lider ng Abu Sayyaf na si Isnilon Hapilon na namataang tumatakbo sa lugar kasama ang mga dayuhang terorista.

Binigyang diin ng opis­yal na ang pangunahing misyon ng AFP troops ay ang kaligtasan ng mga sibilyan.

“We are taking every precautions to avoid collateral damage, damage to property as well as loss of innocent lives,” giit pa ng heneral.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with