^

Bansa

Maliliit na tindahan umaray

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaray ang maliliit na tindahan na umaasa lamang sa kaunting kinikita sa mga softdrinks at iba pang sweetened beverages dahil sa nakaambang pagtaas ng presyo ng mga ito.

Kung ang mga sari-sari store anila, na tulad nila ay maaapektuhan sa taas-presyo dahil sa dagdag na buwis sa Sugar Sweetened Beverages (SSBs), mas apektado umano ang mga maralita na tumatangkilik ng mga produktong tulad ng ‘3-in-1 coffee’, powdered juice drinks, softdrinks, energy drinks at mga ready to drink tea at juices.

Nababahala sila sakaling maipasa sa Kamara ang bagong buwis na nakapaloob sa Comprehensive Tax Reform Program (CTRP) ng pamahalaan na posibleng doble o mahigit pa ang halaga ng SSBs.

Ayon kay Vicky Aguinaldo, may-ari ng sari-sari store at Pangulo ng Philippine Association of Store and Carinderia Owners (PASCO), ang karaniwang sari-sari store ay kumikita lamang ng hindi hihigit sa P1000 sa isang araw, at P300 hanggang P400 nito ay galing sa pagbebenta ng kape, juice at softdrinks.

 Nangangamba sila na kung hihina ang benta ng mga produktong kabilang sa SSBs ay masasayang ang pagod nila sa maghapon at magdamag dahil mas liliit ang kikitain na maaring makalugi at tuluyan silang huminto sa pagtitinda.

Dahil dito, nananawagan sila kay Pangulong Duterte na pakinggan ang kanilang apela dahil ang mga maliliit na mamamayan naman ay alam nilang binibigyan ng atensiyon ng Pa­ngulo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with