Davao Oriental, niyanig ng 4.2 magnitude
MANILA, Philippines - Bahagyang kinabahan ang mga residente ng Kidapawan City sa Davao Oriental nang yanigin ng magnitude 4.2 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental kahapon ng hapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong ala-1:03 ng hapon nang maramdaman ang episentro ng lindol sa layong 168 kilometers Timog-Silangang bahagi ng Tarragona. May lalim itong 14 kilometer at tectonic ang origin. Dagdag ng Phivolcs, walang naitalang pinsala sa pinakahuling lindol at mga aftershocks sa lalawigan.
- Latest