PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Walang Pinoy na nadamay sa Time Square crash – DFA

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Biyernes na walang Pilipino ang nadamay o nasaktan sa insidente sa Times Square sa New York City sa Amerika.

Nanggaling ang impormasyon ng DFA sa Consulate General sa New York kung saan patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng lungsod.

"Our Consulate General is closely coordinating with New York authorities and is ready to provide consular assistance to affected Filipinos should it be needed," pahayag ng kagawaran.

Isang teenager ang nasawi, habang 22 ang sugatan matapos ibangga ng 26-anyos na US Navy veteran ang kaniyang sasakyan sa bangket ng Times Square.

Kinilala ang Navy veteran na si Richad Rojas na kaagad namang naaresto.

Sinabi ng mga awtoridad sa New York na nagdahilan daw si Rojas na may naririnig umanong mga boses.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Na-discharged sa serbisyo ang suspek noong 2014.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: