PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pinas kumalas sa P13.8-B funding deal ng European Union

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng European Union ngayong Huwebes na pinutol na ng Pilipinas ang kasunduan na pagbibigay ng tulong.

Sinabi ni EU Ambassador to the Philippines Franz Jessen na hindi na tatanggap ang Pilipinas ng EU grants.

Ipinaliwanag naman ni Executive Secretary Salvador Medialdea na pinutol ang kasunduan upang maiwasan ang pangingialam ng EU sa bansa.

Nangyari ito kasunod ng pag-alok ng tulong ng China sa Pilipinas sa ilalim ng One Belt, One Road initiative.

Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na umabot na sa $24 bilyong halaga ng tulong ang naipaabot ng China sa bansa.

Sa pakikipaghiwalay ng Pilipinas sa EU ay mawawala ang $278.73 milyong halaga ng tulong, ayon pa kay Jessen.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Isa ang EU sa matinding kritiko ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa madugong kampanya laban sa ilegal na droga.

Sa tala ng Philippines Statistics Authority, ang EU ang biggest and fastest growing export market para sa Pilipinas na umaabot sa $901 milyong halaga ng export.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: