^

Probinsiya

Doktor at sekyu, nilikida sa klinika

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon
Doktor at sekyu, nilikida sa klinika
Dr. Sinolinding

COTABATO CITY, Maguindanao , Philippines  - Bumulagta ang 37-anyos na op­thalmologist kasama ang kanyang closed-in body guard makaraang barilin ng hindi kilalang lalaki sa loob mismo ng kanyang klinika sa Cotabato Doctor’s Clinic sa Sinsuat Avenue, Cotabato City, Maguindanao kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Insp. Alexander de Pedro, station commander ng police station 2 ang mga biktimang sina Dr. Shajid ‘Jaja’ Monera Sinolinding, may asawa; at Mohammed Ismael, 33, kapwa nakatira sa Barangay Poblacion sa bayan ng Kabacan, North Cotabato.

Batay sa ulat ng pulisya, pumasok sa ikalawang palapag ng ospital ang gunman kung saan nagsasagawa ng operasyon si Dr. Sinolinding nang lapitan at pagbabarilin sa ulo kasama ang kanyang body guard.

Nabatid na si Dr. Jaja ay bunsong kapatid ni DOH-ARMM Secretary Dr. Kadil ‘Jojo’ Sinolinding.

Agad namang ililibing nga­yong hapon sa Brgy. Kayaga sa bayan ng Kabacan ang biktima batay sa kaugaliang Islam habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

ALEXANDER DE PEDRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with