^

Kutob

Abril 8, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Tumutugon sa bawat panalangin ang Maykapal. Ang mga nanalig, pinagaling na Niya.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Anuman ang nilalakad o lalakarin ngayon ay may magandang resulta. Maipagmamalaki mo ngayon ang resulta ng ginagawa tungkol sa proyekto o gawain tungkol sa propesyon. Kung hindi magbabago ang takbo ng mga plano, nasa tamang landas ang kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ay 11, 15, 22, 38 at yellow.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Kung magiging positibo, maipapamalas ang kakayahan sa ginagawa o gawain sa trabaho. Subalit kung negatibo ang iniisip, daranasin ang kapalpakan sa ginagawa. Nasa pagitan ka ngayon ng pagkakamali at tama. Pag-isipan muna nang mabuti ang anumang bagay bago simulan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 26, 33 at green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Magiging mahina ang bandang ibaba na parte ng katawan, kaya mag-ingat at iwasan ang magbuhat ng mabigat na bagay. Mag-ingat sa paglalakad at baka matalisod o matapilok. Kung may date o may kakatagpuin, huwag ituloy dahil may kapalpakan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 29, 40 at blue.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Magandang araw tungkol sa pananalapi. Maunlad ang negosyo. Malamang makakapagsara ng kontrata. Iiral ang pagkatamad kaya dapat paglabanan para hindi layuan ng biyaya. Kung papalarin, matutupad ang matagal nang ipinangako. Lucky numbers at color for the day ay 14, 27, 37, 42 at fuchsia.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Kung kapisan o may kapisan sa tahanan, ang banta nang hindi pagkakaunawaan ay mangyayari kung paiiral ang init ng ulo. Upang maiwasan ang gulo sa loob ng tahanan, maging kalma at maunawain. Kung masasangkot sa gulo, hahantong sa pangmatagalan na hindi pag-iimikan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 11, 22, 41 at tangerine.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Walang dapat alalahanin dahil magiging mapayapa ang kapaligiran sa tahanan at trabaho. Kaya lang tatambakan ka naman ng maraming gawain. Kung tututukan ang gawain, matatapos nang matiwasay ngunit ang kapalit ay pagkalanta ng katawan dahil sa pagod. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 20, 39 at white o ivory.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Kung nag-a-apply o nagpapa-follow-up ng aplikasyon sa trabaho, ngayong umaga lakarin para matanggap kung ayon sa kuwalipikasyon ang kailangan. Kung may trabaho, mag-ingat dahil may kasamahan na naghahangad ng iyong puwesto o katungkulan. Maging alerto at mapagmasid. Lucky numbers at color for the day ay 7, 29, 25, 36 at violet.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Kung may negosyo, magiging magaan ang pasok ng pera. Subalit mag-ingat sa magnanakaw, shop-lifter o hold-uppers. May bantang mawalan, kaya huwag tatanga-tanga. Kailangan mag-ingat lalo na sa mga taong may binabantayan. Maging alerto at mapagmasid at baka masalisihan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 17, 33, 43 at orange.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Sa mga ga-graduate, ngayon ang tamang panahon sa pagdedesisyon kung anong kurso ang ipagpapatuloy. Kung kaya ang kursong napili, ituloy ngunit kung hindi kayang matustusan, ang second choice ang ipagpatuloy. Huwag pilitin ang mga magulang sa gusto na hindi makaya. Huwag magtampo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 12, 19, 31 at magenta.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Kung hindi babaguhin ang magandang plano sa ikakaunlad, nasa tamang landas ka. Sa mga walang plano tungkol sa kaunlaran, ngayon simulan at tiyak may patutunguhan. Isang Scorpio ang makakatulong sa iyo ngayon. Iwasan pansamantala ang Leo o Taurus dahil magbibigay ito ng problema. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 17, 25 at blue.  

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Iiral ang iyong kayabangan at kung hindi ito susugpuin, makakaharap ng katapat. Pagmumulan ng gulo o hindi pagkakaunawaan ang pagkamayabang kaya mag-ingat sa pagsasalita. Huwag patulan kung may magyayabang dahil salamin lamang ito ng sarili. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 23, 33 at cream.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Nasa tamang landas ang iyong kaunlaran, ngunit wala sa tamang paraan ang iyong budget para sa gustong pagkagastusan. Simulan ang pagtitipid at mahusay na pagba-budget para masimulan ang magandang plano na kailangan ng kapital. Nasa sariling pagkakamali kung kapos sa pangangailangan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 18, 29 at pink.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with