^

Bansa

Ethics complaint vs de Lima dedesisyunan sa Mayo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III na dedesisyunan na nila ang inihaing reklamo sa Senate committee on ethics and privileges laban kay Sen. Leila de Lima sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso sa susunod na buwan.

Inihayag ni Sotto, chairman ng komite, na bago mag-break ang sesyon ay  binigyan niya ng kopya ng “amended complaint” laban kay de Lima ang mga miyembro ng komite at maging ang inihaing counter-affidavit ng House of Representatives upang mapag-aralang mabuti ang reklamo.

Ang reklamo ay kaugnay sa ginawang pagbibigay ng payo ni de Lima sa kanyang dating driver at naging boyfriend na si Ronnie Dayan na huwag dumalo sa pagdinig ng Kamara noong Oktubre 6, 2016 tungkol sa pagdinig ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prisons.

Sinabi ni Sotto na agad siyang magpapatawag ng meeting ng mga miyembro upang makapagpalabas agad sila ng desisyon.

Mas mabuti na aniyang madesisyunan ang reklamo upang hindi na makadagdag sa problema ng Senado.

Samantala, kailangan ng 2/3 votes o 16 na boto ng mga senador para makapag-patalsik ng isang miyembro ng Senado.

Sinabi ni Sotto na ang mga posibleng desisyon sa isang ethics complaint bukod sa expulsion o pagpapatalsik sa puwesto ay reprimand at suspension.

vuukle comment

VICENTE “TITO” SOTTO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with