^

Probinsiya

Trike vs bus: 4 patay

Francis Elevado, Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines - Apat-katao na lulan ng traysikel ang namatay makaraang sumalpok sa kasalubong na pampasaherong bus saka nasagasaan pa ng trailer truck sa kahabaan ng Gov. Jose Fuentebella Highway sa Barangay Ayugan, bayan ng Ocampo, Camarines Sur noong Martes ng gabi.

Kabilang sa mga namatay ay sina Ricardo Arce, trike dri­ver; Dominick Brandes, Mark Patrick Nicko Molina, at si Fredrick Ace Henry Arce, mga pasahero ng trike at nakatira sa Barangay La Purisima sa bayan ng Ocampo, Camarines Sur.

Sa inisyal na imbestigas­yon ng pulisya, lumalabas na nag-overtake ang tricycle sa trailer truck (CZC882) ni Diolito Reambonanza ng San Roque, Baliwag, Bulacan su­balit sumalpok naman sa kasalubong na Florencia Bus  (EVW 598) na minamaneho ni Antonio Aguedan ng Barangay Binauanan sa bayan ng La­gonoy, Camarines Sur.

Gayunman, doble kamalasan ang sinapit ng trike dahil nasagasaan ng trailer truck na kanyang nilagpasan.

 

vuukle comment

RICARDO ARCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with