^

Kutob

Marso 5, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Lahat ng bagay ay nangyayari nang may dahilan. Ang kalooban ng aking Manlilikha ang manaig nawa sa aking buhay.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Maging maunawain sa isang kapamilya, hindi naman niya ginusto ang kanyang nagawang pagkakamali at hindi talaga sinasadya. Magandang simulan ang binabalak na negosyo tungkol sa pagkain dahil dito ka uunlad. Lucky numbers at color for the day ay 1, 17, 26, 37, at white.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Magiging magulo ang isip mo sa araw na ito, hindi malalaman kung ano ang dapat unahin sa paggawa ng mga gawain. Maaaring matapos ang araw na wala ka pang nagagawa. Marahil may magandang surpresa sa iyo sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 18, 33 at jade green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Matinding galit ang mararamdaman mo sa bandang umaga kaya maging mahinahon. Huwag hayaan na masira ang araw mo, hangga’t maaari pag-isipan muna ang bawat salitang bibigkasin at lalabas sa bibig para walang masaktan na damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 1, 11, 26, 37 at pink.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) – Mabuting ayusin mo muna ang iyong kuwarto dahil puno ng kalat. Ilang gabi nang hindi ka masyadong nakakatulog dahil sa hindi naaayon sa tamang posisyon ang kamang tulugan. Maaalala ang napalayong mahal sa buhay. Lucky numbers at color for the day ay 5, 14, 25, 30 at light blue.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Malulungkot ka sa araw na ito dahil sa paglayo ng iyong minamahal. Isang bisita ang magpapahiya sa iyo sa loob ng opisina. Maghapong sasama ang iyong loob. Paglabanan ito. Lucky numbers at color for the day ay 3, 24, 30, 42 at tangerine.

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) – Tatanggap ka ng maganda o hindi magandang balita mula sa malayo o malapit na kamag-anak. Makikilala ang taong makakapagpapabago sa takbo ng iyong buhay sa larangan ng pag-ibig o hanap-buhay. Lucky numbers at color for the day ay 6, 27, 31, 44 at green.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Kakailanganin mo ang tulong tungkol sa suliranin sa pag-ibig. Pag-ukulan ng pansin ang mga bagay-bagay sa iyong kapaligiran. Magiging sensitibo ka sa damdamin ng iba. Huwag magsalita ng masakit pakinggan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 22, 28, 39 at apple green.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Gagawin mo ang lahat para sa pag-ibig pero mabibigo ka pa rin. Isang kamag-anak ang lalapit upang humingi ng tulong pinansiyal, mapagbibigyan mo ito bilang pagtanaw ng utang na loob. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 16, 33 at violet.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Mag-ingat sa isang bagong labas na gamot baka sa halip na makatulong ito, maging sanhi pa nang paglala ng iyong sakit. Ikunsulta sa doktor kaagad kung hindi maganda ang pakiramdam at tanging reseta ng doktor ang gamitin. Manunumbalik ang tiwala sa sarili. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 23, 32 at cream.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Lalong gugulo ang inyong pagsasama ng minamahal dahil sa hindi pagkakaunawaan at sa hindi marunong magpakumbaba ang bawat isa. Simple lamang ang dapat gawin, huwag magmataas at matutong makinig sa paliwanag at katwiran. Lucky numbers at color for the day ay 16, 21, 35, 38 at orange.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Malamang dadalo ka sa isang pagtitipon na pang-pamilya. Mapapansin nila ang maganda mong kalusugan at aalamin nila kung ano ang iyong sikreto. Magiging masaya ang araw mo ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 20, 31, 44 at aquamarine.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Makakaramdam ka ng kaunting pananakit ng katawan. Pahinga ang kailangan. Maaakit ka sa isang oportunidad na trabaho sa ibang bansa kaya walang masama kung susubukan. Maging maingat sa paglalakad sa mga mataong lugar. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 23, 34 at blue.

 

 

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with