^

Pang Movies

Kris ginamit si Oprah Winfrey para ipagtanggol ang kaibigang kongresista

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Naglabas ng quotation mula kay Oprah Winfrey si Kris Aquino sa kanyang Instgram account bilang suporta sa kaibigang si Len Alonte, kongresista ng Biñan, Laguna, kaugnay ng pagdawit sa pangalan niya tungkol sa umano’y pagbibigay ng pera sa witness ni Senator Leila de Lima na baliktarin ang testimonya nila.

Narito ang quotation mula kay Winfrey:

“Lots of people want to ride with you in the limo but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down.”

Heto naman ang caption ni Kris:

“This is a better post to show the depth of my love, friendship and faith, and loyalty in @lenalonte. She is hardworking, dedicated, kindhearted, and above everything else, 100% committed to public service. We have been close friends for more than 7 years – walang benefit at all to her to remain my friend, and yet she has chosen to stay close to me & make me feel like I am her true ATE, MA BAIT, MARANGAL, MAGPAGKAKATIWALAAN…I respectfully disagree w/ the unfounded accusations made by Secretary Aguirre. #Truth”

May sumuporta sa mensahe ni Kris pero meron din namang hindi sumang-ayon sa pahayag niya.

Masaya pa naman si Kris sa early posts niya kahapon bago ang kay Rep. Alonte. Tungkol ‘yon sa mga biyayang dumating sa kanya.

Sa isang banda naman, ipinarating nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Jinggoy Estrada kay Sen. de Lima na nadarama na niya nga­yon ‘yung nadama ng dalawa noong ipinakulong sila ng dating Justice Secretary.

Kim nangangarap ding mag-heavy drama

Ay, pangarap pala ni Kim Domingo na makagawa ng heavy drama, Salve A! Sa ngayon kasi, nasasabak siya sa sexy comedy lalo na ‘pag may gag siyang ginagawa sa Bubble Gang, huh!

“Hindi naman kasi habang buhay na ganito ang image ko. Sana mabigyan ako ng pagkakataong makagawa ng soap opera na heavy drama talaga.

“Pangarap ko ‘yon. Gusto ko ‘yung inaapi ako na mala-Princess Sarah ang dating,” saad ni Kim.

Mas bongga kung sexy drama ang gawin ni Kim dahil baka ‘pag pinasok niya ang drama na walang kaseksihan, baka manibago ang fans niyang lalaki, huh!

Why rock the boat kung saan siya gusto ng tao, huh?

 

vuukle comment

OPRAH WINFREY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with