^

PSN Showbiz

Film showing ng MTRCB dinagsa ng daan-daang estudyante

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Successful ang 3rd Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB)– Parañaque City Children’s Film Classics noong February 9 and 10 sa SM City BF Parañaque, SM City Bicutan and SM City Sucat.

Ang simultaneous screenings ay naglalayong kilalanin ang boses at karapatan ng mga kabataan.

Halos 2,000 estudyante kasama na ang mga guro nag-participate sa event.

Bago ito ay may opening ceremony na pinangunahan ni Dr. Magdalena M. Lim. Pagkatapos ay nagbahagi rin ang MTRCB chairperson na si Rachel Arenas at si Congressman Eric Olivarez ng kani-kanilang heartfelt messages sa mga estudyante.

Dalawang critically acclaimed films ang na-showcase sa event. Noong Feb. 9, kinagiliwan ng mga participant ang pelikulang Kubo and the Two Strings. Ang pelikula ay tungkol sa batang lalaki na si Kubo at kung paano niya niligtas ang kanyang buhay at ang pamilya nito.

Mangiyak-ngiyak naman ang mga estud­yante at guro sa Chinese film na Thei-go King and His Son noong February 10. Sa popular Chinese board game na Weiqi (Go) at sa relasyon ng mag-ama nakasentro ang istorya ng pelikula.

vuukle comment

MAGDALENA M. LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with