^

Bansa

Tiwala ng konsyumer sa gov’t mataas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinagmalaki kahapon ng Malacanang ang pinakahuling resulta ng consumer expectation survey (CES) na isinagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas kung saan naitala ang pinakamataas na 9.2 percent mula sa 2.5 percent sa third quarter ng taon.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Ana Maria Paz Banaag, ang pinakahuling resulta ng CES ay nagpapatunay na hindi lamang nakatuon ang adminisrasyong Duterte sa kampanya laban sa ilegal na droga kung hindi sa pagtaas din ng kalagayan ng mga Filipino.

Tiniyak ni Banaag na bukod sa pagsugpo ng ilegal na droga, nais rin ng gobyerno na bumuti ang buhay ng mga mamamayan.

Idinagdag niyang mas makakabuting pagtuunan ng pansin ang mga positibo at magagandang bagay lalo pa’t malapit na ang Kapaskuhan.

“Doon natin nakikita kasi mas maganda mag-focus tayo sa mga positive lalo na at Pasko, diba? Na maraming nangyayaring ibang bagay sa ating bansa, maraming pinagtutuunang ibang bagay ang ating Presidente,” ani Banaag.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with