2 fishermen, na-rescue
NORTH COTABATO, Philippines – Kapiling na ng kanilang pamilya ang dalawang Pinoy fishermen na sinagip ng Chinese Coast Guard malapit sa Scarborough Shoal.
Kasunod na rin ito nang pag-turn over ng Chinese authorities sa Philippine Coast Guard kina Morrey Shoera at Lloyod Acquit.
Ayon sa dalawang mangingisda, inabot sila ng malakas at malaking alon sa Shoal area habang sakay ng tatlong maliliit na bangka kasama ang apat na kapwa mangingisda.
Dahil dito, tumaob ang bangkang sinasakyan kung saan kumapit na lamang sila sa uubrang makapitan para lamang makalutang bago nasagip ng Chinese Coast Guard.
- Latest