Gabinete ni Duterte na anti-Marcos burial ‘di magbibitiw
MANILA, Philippines - Hindi magbibitiw sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga maka-kaliwa kahit tutol din sila sa pagpapalibing kay dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Nanatili sa Gabinete ni Pangulong Duterte sina DSWD Sec. Judy Taguiwalo, DAR Sec. Rafael Mariano, NAPC head Liza Maza at NCUP chief Terry Ridon.
Nilinaw ng mga nasabing opisyal sa Duterte government na kahit tutol sila sa pagpapalibing kay FM sa Libingan ng mga Bayani ay mananatili pa din sila sa gabinete ng Pangulo.
“I am serving because there are certain things that we agree upon in terms of providing services to our people. So habang kaya kong magawa ‘yan, at habang kaya niya ang aking ilang mga panindigan na hindi angkop sa kaniyang sinasabi, we can work together,” paliwanag ni Sec. Taguiwalo.
Maging si Vice-President Leni Robredo na itinalaga ni Pangulong Duterte bilang HUDCC chief ay tutol din sa pagpapalibing kay FM sa Libingan pero hindi din nagbitiw sa gabinete.
- Latest