^

Bansa

3 ‘Commando’, tigok sa drug operation

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlong  miyembro ng ‘Commando gang’  na pawang sangkot sa paggamit at pagbebenta ng iligal  na droga ang napatay sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD sa Parola Compound, Binondo, Maynila, kahapon ng  hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Edmond Morales, nasa  30-35-anyos, Jomar Danao Mariano, 40, at Ernesto Francisco, na pawang miyembro umano ng nabanggit na gang.
Sa inisyal na ulat nina Chief Insp. Leandro Gutierrez ng Station Anti-Illegal Drugs at Senior Insp. Edward Samonte ng Intelligence Unit ng MPD-Station 11, nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng kanilang grupo at mga suspek nang salakayin ang lugar sa Gate  56, Parola Compound, dakong ala -1:30 ng hapon kahapon.

Matagal na umanong target ang lugar at kahapon ay natiyempuhan nila ang pot session sa ilang kabahayan nang may tumawag at isumbong sa kanila ang nagaganap.
Nang papasok pa lang sa erya ay pinaputukan na umano sila ng  grupo ng mga suspek na nauwi sa pagpapalitan ng putok.

Nang huminto ang putukan ay nakitang nakatimbuwang na ang tatlo. Sa impormasyon ng pulisya, bukod sa ginagamit na drug den ang lugar ay lumalakad din umano ng holdap, snatching at pagnanakaw ang mga suspek.

Nasamsam mula sa mga suspek ang 3 kalibre 38 na baril, mga bala,drug paraphernalias sa pagsinghot ng shabu at di pa tukoy na dami ng shabu na nakalagay sa maliliit na plastic sachets.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with