^

Bansa

Bagyong Igme, papasok sa bansa

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Papasok sa bansa ngayong Sabado ang bagong bagyo na tatawaging Igme.

Si Igme ang dating bagyo na may foreign name na Chaba.

Kahapon alas -11 ng umaga, ang bagyo ay namataan sa layong 1500 kilometro ng silangan ng Southern Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 85 kilometro bawat oras at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 105 kilometro bawat oras.

Kumikilos ito pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras.

Oras na pumasok sa bansa, ayon sa PagAsa, hindi naman ito direktahang makakaapekto sa ating bansa.

Bagamat patuloy ang paghina ng habagat, patuloy naman nitong  pinaiigting  ang  isang low pressure area kayat mayroon pa ring mga pag- uulan sa  Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon at sa lalawigan ng  Mindoro. 

Kahapon ng alas -11 ng umaga, ang LPA ay namataan ng PagAsa sa layong 230 kilometro sa silangan ng Tuguegarao City. Hindi pa kinakikitaan na ang LPA ay magiging isang ganap na bagyo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with