Speaker Alvarez duda sa timing ng Bilibid riot
MANILA, Philippines — Kinuwestyon ni House Speaker Pantaleon "Bebot" Alvarez ang timing ng riot na naganap sa New Bilibid Prison na ikinasawi ng isang high-profile inmate.
Sa tingin ni Alvarez ay mayroong gustong humarang sa pagtestigo ni Jaybee Sebastian sa ginagawang imbestigasyon ng Kamara sa ilegal na droga sa Bilibid na inuugnay kay Sen. Leila de Lima.
“That is sad because apparently there are forces na ayaw na mag-testify iyong si Jaybee Sebastian,” pahayag ni Alvarez tungkol sa kilalang preso na si Sebastian.
BASAHIN: Bilibid riot bahagi ng teleserye drama ni Aguirre, Malacañang
Kabilang si Sebastian sa mga sugatan sa nangyaring riot kaninang umaga, kung saan nasawi si Tony Co.
“Bakit naman of all those years bakit ngayon lang sila magpapatayan diyan sa ano tapos targeted pa yung intended resource persons na announced nung committee on justice [hearing?],” wika ng House Speaker.
Sa kabila nito ay hindi naman makumpirma ni Alvarez kung sinadya ito upang guluhin ang pagdinig ng Kamra kung saan ang ilang high-profile inmates ang kanilang testigo.
Samantala, sinabi naman ni Bureau of Corrections officer-in-charge, retired Chief Superintendent Rolando Asuncion, na nangyayari talaga ang riot sa loob ng kulungan.
BASAHIN: High-profile Bilibid inmate utas sa riot, Sebastian, iba pa sugatan
Para kay De Lima ay isa itong panggigipit ng gobyerno sa mga preso na ayaw tumestigo laban sa kaniya.
"I am not discounting the possibility that this so called riot is Malacañang's way of sending messages to prisoners who refuse to implicate me in the Bilibid drug trade as part of Aguirre's and Malacanang's teleserye drama projecting me as the Bilibid drug queen. If this is the truth, I plead to Malacanang to stop this tragic, desperate and despicable actions," wika ni De Lima.
- Latest