^

Bansa

High-profile Bilibid inmate utas sa riot, Sebastian, iba pa sugatan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay sa pananaksak ang isang high-profile inmate ng New Bilibid Prison matapos magkaroon ng riot ngayong Miyerkules ng umaga.

Kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang pagkasawi ni Tony Co nang saksakin sa loob ng Building 14 ng Bilibid sa lungsod ng Muntinlupa.

Sugatan naman ang iba pang high-profile inmates na sina Jaybee Sebastian, Peter Co at Vicente Sy na isinugod sa Medical Center of Muntinlupa.

Kabilang si Sebastian sa mga nais gawing testigo ng gobyerno laban kay Sen. Leila de Lima kaugnay ng ilegal na droga sa Bilibid.

Tumanggi naman si Sebastian at aniya'y katiwaliaan lamang sa loob ng piitan ang nais niyang ibunyag sa publiko.

Sinabi ni De Lima na isang asset ng gobyerno si Sebastian ng nakaraang administrasyon.

Samantala, si Peter Co ang nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakakapagpatakbo pa rin ng ilegal na droga kahit nakakulong na.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with