^

Bansa

3 todas sa drug operation sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlong   kalalakihan na pinaniniwalaang sangkot sa  bentahan ng ipinagbabawal na droga ang  napatay ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa magkahiwalay na lugar sa Maynila kamakalawa ng  gabi.  Sa imbestigasyon ng Manila Police District-homicide section, alas 6:15 ng gabi nang mapatay ng mga tauhan ng MPD-Police Station 3 , ang mga suspek na sina Alex Pana, at isang alyas “Den” sa loob ng kanilang bahay sa Guzman St., Quiapo, Maynila.

Makalipas ang 15 minuto ay napatay  naman ng mga  tauhan ng MPD-Police Station 2, si alyas Bebe, tinatayang nasa edad 20-25, may taas 5’5, miyembro ng ‘Commando gang’ at may tattoo sa kanang hita sa isinagawang buy bust operation. Ayon kay SPO4 Glenzor Vallejo, ng MPD-Homicide Section na nakahalata umano si Pana na pulis ang kanyang ka-transaksiyon sa bentahan ng droga kung saan kaagad itong bumunot ng baril at humingi ng tulong sa kasamang si Den.

Binaril umano ni Den ang mga back-up ni  PO1 Lowie Pinlac na siyang umaktong poseur buyer, habang nagpambuno muna si Pinlac at Pana. Ang mga suspek ay kapwa nasawi matapos na gumanti ng putok ang mga pulis.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with