^

Bansa

Matobato nagsisinungaling - Phl Army

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang hawak na rekord ang Philipine Army na naitatag ang Civilian Home Defense Force (CHDF) sa panahon ng rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ito ang nilinaw ni Army Spokesman Col. Benjamin Hao upang pasubalian ang testimonya ni self-confessed assassin Edgar Matobato sa pagdinig ng Senado noong nakaraang Huwebes. 

Ginawa ni Hao ang pahayag matapos hilingin ng Senado ang payroll record ni Matobato simula 1982 hanggang sa umano’y kumalas ito sa CHDF. 

Si Matobato na uma­ming miyembro umano ng Davao Death Squad (DDS) o ang vigilante group na pumapatay ng mga kriminal ay itinuro si dating Davao City Mayor at ngayon ay Pangulong Rodrigo Duterte na mastermind umano ng nasabing grupo.

Base sa testimonya ni Matobato sa Senado, sumasahod umano siya ng P3,000 bilang miyembro ng paramilitary force noong 1980s.

Lumilitaw naman na naitatag pansamantala ang  CHDF sa panahon ng yumaong si dating Pangulong Corazon Aquino na nanungkulan sa bansa matapos ang People’s Revolution noong Pebrero 1986.

Gayunman, sinabi ni Hao na nabuwag ang CHDF nang lagdaan  ni dating Pangulong Cory ang Executive Order 264 noong Hulyo 25, 1987.

Inihayag pa ni Hao sa kasalukuyan ay wala ng hawak na rekord ng CHDF ang Army Information Management Office, Army Force Integration Brach(OG3) at maging
Personnel Management Office (OG1).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with