^

Bansa

‘I am a dead woman walking’- De Lima

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ikinumpara rin ni de Lima ang sarili sa testigo ng justice committee na si Edgar Matobato na parang buhay na patay dahil sa banta sa kanyang buhay.  

“Bukas hindi ko na alam kung ano na  naman ang susunod na mangyayari. Bukas hindi ko na alam kung andito pa rin ako. I feel I am a dead woman walking. Parang feeling ko pareho kami ni Matobato. Ni Edgar Matobato. Ginagawa ko lang naman po ang trabaho ko,” pahayag ni de Lima.

Balak ni de Lima na magpasaklolo na rin sa korte upang maprotektahan umano ang kanyang mga karapatan dahil sa nangyayaring panggigipit sa ngayon.  

Naniniwala si de Lima na sa ngayon ay kalaban niya ang buong machinery ng administrasyon.  Samantala, tahasang tinawag ni de Lima na “misogynist”at “chauvist” si Pangulong Duterte dahil sa mga sinasabi nito sa kanya.     

“Duterte’s latest verbal abuse vs me is simply characteristic of his being a misogynist and chauvinist. That’s all it is and there is no need to dignify it with any further reply,” ani de Lima sa isang text message.

Sinabi pa ni de Lima na nagpakababa na ang Pangulo dahil at umaasa siyang tutulungan ng Diyos ang ating bansa.  “It is regrettable that he has become so low. God help our country,” ani de Lima sa text message.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with