^

Bansa

Umali ipinagtanggol ang pagtatanong ni Aguirre sa Bilibid probe

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na bago ang pagtatanong ng isang resource person sa isang congressional inquiry kaya walang nakikitang mali si justice committee chairperson Reynaldo Umali sa pagpapel ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa imbestigasyon nila ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison.

Ipinaliwanag ni Umali na walang mali sa pagtatanong ni Aguirre sa mga testigo na pawang mga high-profile convicts ng Bilibid.

"I was interviewed this morning, and people were asking there was insinuation. Undprecedented daw po itong ginawa natin dito sa house of representatives," pahayag ni Oriental Mindoro Rep. Umali sa ikalawang araw ng kanilang pagdinig.

BASAHIN: Kilabot na Bilibid convicts binigyan ng immunity ng Kamara

Marami ang nagtaka kung bakit hinahayaan ng komite na “mag-take over” si Aguirre sa pagdinig kahapon kung saan idinidiin ng mga testigo si Sen. Leila de Lima.

"Perhaps dito sa house of representatives, this may be unprecedented but in a congressional inquiry, this is not," dagdag ni Umali.

Ipinagtanggol pa ni Umalo si Aguirre na aniya’y nagsagawa ng imbestigasyon sa pagkalat ng ilegal na droga sa Bilibid.

"Siya (Aguirre) po ang bumuo nito, segun sa kanyang mando bilang secretary, at nangangasiwa ng Bureau of Correction. Dapat lang po na malaman niya," wika ng House committee chair.

BASAHIN: House probe hindi tungkol kay De Lima

Nabanggit pa ni Umali na noong gumugulong ang imbestigasyon ng Senado sa pork barrel scam ay hinayaan ng mga senador na tanungin ng noo’y Justie Secretary na si De Lima ang whistleblower na si Benhur Luy.

Patuloy pa rin ang pagdinig sa umano’y papel ni Del Lima sa ilegal na droga sa Bilibid.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with