^

Bansa

State of lawlessness, walang epekto sa normal na pamumuhay - Chiz

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni Senator Francis “Chiz” Escudero na walang epekto sa normal na pamumuhay ng mga mamamayan ang idineklarang “state of lawlessness” ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang pagsabog sa Davao City noong Biyernes ng gabi na ikinasawi ng 14 katao.

Ayon kay Escudero, wala ring epekto maging sa civil liberties at maging sa karapatan ng mga mamamayan sa ilalim ng Bill of Rights ang nasabing deklarasyon ng Pangulo.

Sinabi ni Escudero, nasa discretion ng Pangulo ang pagdedeklara ng state of lawlessness at hindi na niya kailangan pa ang permiso ng Kongreso na kinakaila­ngan naman sa pagdedeklara ng Martial Law.

“Ang discretion niya, di na kailangan nang permiso ng Kongreso, ‘di tulad ng pag-deklara ng martial law na kailangan pa ng permiso ng Kongreso,” pahayag ni Escudero.

Maaari lamang aniyang gamitin ng Pangulo ang militar para sugpuin ang ‘lawless violence’ na ginamit na rin sa Sulu laban sa Abu Sayyaf Group.

 Nilinaw ng senador na maging ang mga naunang pangulo ng bansa ay ginamit na rin ang nasabing deklarasyon na ipinatupad mismo ng AFP.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with