^

Bansa

Mga napangalanan sa ilegal na droga bibigyan ng pagkakataon na linisin ang pangalan – Andanar

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bibigyan ng pagkakataon ang mga taong pinangalanan na sangkot sa ilegal na droga sa sandaling humarap sila sa korte.

Ito ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar tungkol sa mga taong nasasangkot sa ilegal na droga na nagsasabing sila ay inosente.

 “Marami po talagang sangkot dito sa illegal na droga. We are not putting a finality sa kanilang innocence or pagiging guilty,” pahayag ni Andanar sa isang panayam sa radyo.

Sinabi pa ni Andanar, na lahat naman ng mga nabanggit ay magkakaroon ng pagkakataon na linisin ang kanilang pangalan sa korte at maging sa Philippine National Police.

“Lahat po ng nabanggit, you will have your day in court, and you will also have your day to clarify your name even before you get to the courts. So iyon naman po ang ginagawa ng Philippine National Police, kaya nga sinasabihan iyong mga mayor na pumunta doon sa  PNP and try to clean,” ani Duterte.

Idinagdag ni Andanar na maaari namang tanggapin ng Philippine National Police ang affidavit ng mga nasangkot na pangalan upang linisin ang kanilang pangalan bago pa ito umabot sa korte.

“Kung gusto nilang mapalinis iyong kanilang pangalan ng maaga, then they will have to go the Philippine National Police who will receive their counter affidavits, At malugod naman na tinatanggap ng Philippines National Police iyong mga personalities na gustong linisin iyong kanilang pangalan, even before makarating pa ito sa korte,” pahayag ni  Andanar.

Muli nitong ipinaalala na ang pinaka-prayoridad ngayon ng Executive ang pagresolba ng problema laban sa ilegal na droga kung saan libo-libo na ang sumuko na patunay umano kung gaano kalaki ang problema.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with