^

Bansa

1,000 pang Army troops, isinabak sa Sayyaf

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Sa Sulu at Basilan

MANILA, Philippines – Dalawang batalyon pa o karagdagang  1,000 tropa ng mga sundalo ang isinabak sa Sulu at Basilan upang lipulin ang nalalabi pang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG)  na sangkot sa kidnapping for ransom , pambobomba , pamumugot ng ulo at iba pang uri ng terorismo.

Sinabi ni AFP Western Mindanao Command Major Felimon Tan, ang karagdagang mga sundalo ay idineploy sa naturang mga lalawigan kaugnay ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pulbusin na sa lalong madaling panahon ang puwersa ng mga bandido.

“Our objective is clear to destroy the Abu Sayyaf . Now, our troops can cover more areas, they can block the places use by the enemies to evade military operations,” pahayag ni Tan.

Nabatid na kabilang sa karagdagang tropa ng militar  na idinagdag sa puwersa ng pamahalaan sa Sulu at Basilan ay mula sa balwarte ni Pangulong Duterte sa Davao Region na ipinullout sa communist rebels area.

Ayon sa opisyal, determinado silang malipol ang puwersa ng mga bandido alinsunod sa kautusan ng punong ehekutibo na tuluyang napundi sa pamumugot ng ulo kamakailan ng Abu Sayyaf sa binihag nilang estudyante na si Patrick Almodovar, 18.

Si Almodovar ang kaunaunahang hostage na napugutan ng ulo ng mga bandido sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Kaugnay naman ng pahayag ni Duterte na kayang lipulin sa loob ng isang linggo ng tropa ng pamahalaan ang mga bandido, sinabi ng opisyal na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang matupad ang kanilang misyon.

Sa kasalukuyan, sa pagdating ng karagdagang tropa ng militar, umaabot na sa 5,000 ang puwersa ng mga sundalo sa Sulu at nasa 3,000 naman sa Basilan na tumutugis sa mga bandid0.

Patuloy pa rin ang rescue operation sa nalalabi pang mahigit 10 hostages ng Abu Sayyaf sa Sulu kabilang ang Norwegian  na si Kjartan Sekkingstad, ilang tripulanteng Indonesian at iba pa. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with